Isang lalaki ang patay nang pagbabarilin ng 'di kilalang salarin habang nakatayo sa gilid ng kalsada sa Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules ng hapon, habang sugatan ang isa pa nang tamaan ng ligaw na bala.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang nakilala lamang na si Teofelo Manuel Sr. habang sugatan naman si Joery Manga.

Samantala, nakatakas naman ang salarin na inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-4:20 ng hapon nang maganap ang krimen sa Milex Road Brgy. Manggahan, Rodriguez.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Kapwa umano nakatayo lamang ang mga biktima sa naturang lugar nang bigla na lang sumulpot ang salarin.

Bumunot ito ng 'di pa batid na kalibre ng baril at kaagad na pinagbabaril si Manuel sa iba't ibang bahagi ng katawan, na dalian nitong ikinamatay.

Minalas naman na tamaan ng ligaw na bala si Manga sa tiyan, kaya't isinugod ito sa H-Vill Hospital upang malunasan.