Aakalain umano ng lahat na isang "mowdel" ang gurong si Ma'am Mary Ann Garcia Ablihan dahil sa kaniyang pangmalakasang OOTD o Outfit of the Day na ibinahagi niya sa kaniyang viral Facebook post, bagay na hinangaan naman ng mga netizen.

Hindi akalain ni Ma'am Mary Ann na magiging viral at pupusuan ng mga netizen ang kaniyang mga litrato, na wala naman umanong espesyal kundi ang pagiging siya. Ganoon daw talaga ang pormahan niya sa halos araw-araw.

Human-Interest

Albay LEPT topnotcher nagbigay ng tips sa mga susunod na board exam takers!

Aniya, katatapos lamang daw niyang mag-compute ng grades ng kaniyang mga mag-aaral, at kahit may mga "bungi" pa ito o may mga mag-aaral na wala pang pinasa, ninais pa rin niyang huwag magpaka-stress at mag-ayos pa rin.

Ayon sa panayam ng Balita Online sa guro, nagtuturo siya sa Bagong Silang High School at talagang mantra niya ang pag-aayos at pag-aalaga sa sarili. Iyan din ang payo niya sa mga kasamahan at kapwa guro: na kahit tambak ang mga gawain, matuto pa ring mahalin at alagaan ang sarili.

Nagkomento naman sa kaniya ang kilalang may-ari ng review center at tumakbo sa pagkasenador na si Carl E. Balita na itinuturing niyang isang mentor.

"Teacher siya. At her best. Always her best. Tatak-CBRC. CBRC National Reviewer," saad ni Balita nang i-flex niya ang guro.

"You are one of the best. The best is yet to come," dagdag na komento pa ni Balita.

Sa isa pang Facebook post ay nagpasalamat naman ang guro sa kaniyang mentor.

"Ang isa sa mga mentor ko, Dr. Carl E. Balita 💙 Since 2018, sobrang dami ko po palaging natututunan sa inyo. Hindi lang sa kung papaano ang dapat na serbisyong ibibigay para sa bayan but as well as the things that matter in life.🤍✨😊 Maraming salamat po sa buhay n'yo na nagsilbing inspirasyon sa amin 😊 We will still continue to do best. Maraming salamat po Dr Carl," aniya.