Isang "fake news" ang kumakalat ngayon sa social media na pumanaw na ang batikang mamamahayag na si Mike Enriquez dahil buhay na buhay raw ito, ayon kay Arnold Clavio.

Sa isang Facebook post, pinabulaanan ni Igan ang kumakalat sa social media na pumanaw ang kapwa niyang mamamahayag.

"Mga minamahal, nakausap ko po si Ama, Mr. Mike Enriquez. Buhay na buhay at ang kanyang mensahe, 'FAKE NEWS!'"

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Naging usap-usapan kasi sa social media nitong Huwebes, Nobyembre 10, ang Facebook post ng isang malapit na kaibigan umano ni Mike at ng asawa nito.

"This photo with Mike Enriquez and his Wife was taken 3 yrs ago at Nora Trajano's bday. It was a wonderful surprise! I'm glad I saw Mike after many years and now he is happy in heaven with the Lord. Rest in peace dear Mike!" saad ng kaibigan ni Mike subalit deleted na ngayon ang post.

Nang makumpirma rin nito na buhay pa ang GMA reporter, agad din naman itong humingi ng pasensya.

"SOME PERSONS TOLD ME THAT MIKE ENRIQUEZ IS VERY MUCH ALIVE! THE NEWS I GOT ABOUT HIS PASSING WAS FEW YEARS AGO. MANY CONDOLED AND NO ONE SAID OTHERWISE. IM VERY VERY SORRY IF IT WAS A FAKE NEWS. PLS FORGIVE ME MIKE !SABES QUE TE QUIERO MUCHO MI AMOR!"

Matatandaang nag-medical leave si Mike Enriquez para sa kaniyang kidney transplant noong Disyembre 2021 at nagbalik sa telebisyon at radyo noong Marso 2022.