Kinuyog ng mga netizen ang premyadong aktres na si Alice Dixson matapos nitong takpan ng hat ang mukha ng kaniyang partner, matapos itong ibahagi sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre 8.

Makikita sa tatlong kalakip na litrato ni Alice na tila magkaharap ang mga mukha nila ng jowa subalit hindi tiyak kung "magkatukaan" ba sila o magkaharap lamang, dahil nga tinakpan niya ito ng sombrero.

"Aha!"

"Gusto nyo ganito?"

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"I have one without the hat 👩‍❤️‍💋‍👨."

"But no one wants to see that lol," aniya sa caption.

Sey naman ng mga "naimbyernang" netizen, nakakadismaya ang ginawa ni Alice dahil curious silang makilala ang flinex nitong jowa, subalit hindi naman ipinakita. Anila, kung ganito rin lang ang gagawin ng aktres, sana hindi na nito pinost ang mga litrato nila.

May mga nagsabi pa na pang-teenager lamang ang mga ganitong akto.

"Ohh please no need to pose if you doesn't want to show your partner OA hmmmp."

"Bagay lang siguro sa teeners ang suspense, lapit na sa senior citizenship di na bagay."

"Ang arte kung kelan tumanda, pa-suspense pa."

"Yes it's her account I agree she can post anything she likes. Pero kung gusto niya protektahan ang privacy ng mga mahal niya sa buhay don't post anything na lang. Much better to unfollow na lang para di makapag-comment kasi dumadaan sa wall ng page ko. It's my opinion."

"Why post and hide? You want privacy, then don’t post, like, those VIP’S, unless there’s a reason to hide. Who cares, anyway."

"What’s the point of posting If you don’t want to show his face."

"Bakit tinatago? Billionaire ba 'yan?"

Samantala, may mga netizen naman na nagtanggol sa aktres.

"It's her wall. Negative people must get a life tsssk."

"It's her choice to hide him, and besides account niya to kaya chillax mga maritess 😂😂😂😂. She can post whatever she wants so wala na kayo dun kung sino gusto niya i-show up or i-hide.

"Posting cute things like this doesn’t have an age limit. Period. Who the hell limits people’s postings and happiness in life? Only the ignorants and idiots would think this little."

Bilang sagot sa bashers at haters, sinabi ni Alice sa isa pang IG post na sana raw mag-meditate ang kaniyang haters. Kalakip nito ang mga litrato niya na may hawak na tila starfish.

"My wish is mag-meditate ang mga haters para mabawasan ang mega negativity sa www (whole wide world)," aniya.