Naaliw ang mga netizen sa ibinahaging litrato ng Kapuso comedienne na si Eugene Domingo kasama ang aktres na si Faith De Silva at kaibigang komedyante rin na si Rufa Mae Quinto, sa kaniyang Instagram post kahapon, Nobyembre 8.

Nagsama-sama ang tatlo sa guesting nila sa "All-Out Sundays", ang musical variety show ng GMA Network tuwing Linggo ng tanghali.

"I laugh this company because funny is always sexy! The one & only @rufamaequinto & future beauty queen, @faithdasilva_," caption ni Uge sa kaniyang IG post.

"Aaw your the sexiest. I miss you and I’m still laughing when I think about our chikahan. Thanks always!" komento ni Rufa Mae.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"So much loveeee ❤️❤️❤️," komento naman ni Faith.

Sa unang tatlong kalakip na litrato nito ay tila "normal" lamang ang lahat subalit sa ikaapat at huling litrato, makikita ang pagdakma ni Uge sa boobey nina Faith at Rufa Mae. Kalerkey talaga itong si Uge!

Anyway, nanawagan naman ang mga netizen na sana raw ay pagsama-samahin ang tatlo sa isang proyekto.