Kinaaliwan at pinusuan ng mga netizen ang mga litrato ng mag-amang Ronaldo Valdez at Janno Gibbs sa latest Instagram post ng singer-actor noong Nobyembre 7.

Makikitang terno o "twinning" ang kanilang color brown outfit na hoodie at shorts na gawa ni Alyssa Loyzaga Gibbs.

"'Lolo sir' proudly wearing @titan_22 x @jumpman23 Shoes and Apparel by his apo @chiiloyzagagibbs 🙌❤️🔥 Swipe for more pics ➡️ We had too much fun doing this shoot 🥰," caption ni Janno sa kaniyang Instagram post.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

"My favorite photos ever!!!!," komento ng mismong gumawa ng outfit ng mag-ama na si Alyssa.

Ang "Lolo Sir" ay role ni Ronaldo sa hit teleseryeng "2 Good 2 Be True" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN, na matatapos na ngayong linggo.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Love this father and son photo!"

"Lolo sir is so hot looking… and the son is cool… just cool."

"Iba tatak ni Sir Ronaldo Valdez, very respectable and with admirable character!"

"Hello po lolo sir and. mr janno. nice picture stay safe!"

"Both handsome!"