Matapos ang halos tatlong buwang paglipad ni Darna sa ere, inanunsyo ng JRB Creative Productions ang pagsisimula ng panibagong season ng teleseryeng "Mars Ravelo's Darna The TV Series".

Ayon sa kanilang teaser na ibinahagi sa kanilang official Facebook page, simula sa darating na Lunes, Nobyembre 14, mas magliliyab ang tunay na lakas ng Pinay superhero.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nananabik naman ang fans sa mga paparating na eksena ng teleserye kasabay ang hiling na mas pagandahin pa ang effects at ipakita ang ilan sa mga orihinal na kalaban ni Darna na hango sa komiks na likha ni Mars Ravelo.

"Ilagay n'yo sila Babeng Linta, Tuod at Impakta pati si Lawin. Kasama rin mga Darna villains sa komiks like Black Mercury, Araknido, Birdman, Demon Man, Zumarnah, Dyangga, Mirca, Ion, Isputnik, Black Orchid, Black Widow tsaka si Saturnina Diabolica," saad ng isang netizen.

"Nasa season 2 na, sana naman mag-improve ang effects."

"Go Darna!"

Nagpasalamat din ang production team ng Darna sa mainit na pagtanggap sa kanilang programa nang ibahagi nito na nakakuha ng 15 million combined views sa YouTube ang week 12 ng nasabing teleserye.

Ang Darna: The TV Series ay pinagbibidahan ni Jane de Leon at mapapanood tuwing alas-8 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5.