Litaw na litaw pa rin ang ganda at anang netizens ay aakalaing reigning Miss Universe si Catriona Gray sa mga paandar nito sa kamakailang event sa Thailand.

As usual, bitbit ng Pinay Miss Universe ang mayuming kultura ng bansa sa naganap na Miss Universe Extravaganza noong Lunes.

View this post on Instagram

A post shared by Nasit Alexandul Wankhwan (@alexandul)

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Unang rumampa sa nasabing event si Cat suot ang modern Filipiniana wiith a twist kng saan tampok din ang tila makulay na na disenyo ng t’nalak mula sa South Cotabato.

True nga, patuloy pa ring tinutupad ng pinakahuling Pinay Miss Universe ang kaniyang pagyakap at pagsulong sa Pinoy textiles sa international scene.

Viral at kasalkyang pinusuan sa Instagram ng nasa mahigit 246,000 netizens ang pasabog na look ni Cat.

Libu-libong fans mula sa parehong Pilipinas at Thailand ang nagpaulan ng pagmamahal sa kanilang mga positibong comment sa dating titleholder.

Basahin: Catriona Gray, may nilinaw sa naging viral na paghaharap nila ni Anne Jakrajutatip – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Para naman sa naganap na gala night ng parehong event, deadly look ni Catriona naman ang isinilbi nito sa fans.

Suot ang back and silver ensemble, fierce and fabulous si Cat sa kaniyang awrahan.

Sa hiwalay na Instagram post, umani agad ito ng nasa mahigit 382,000 likes sa pag-uulat.

Pagsang-ayon ng marami, kaya pa sumabak ni Cat sa Miss Universe at effortless na manalo muli.

Matatandaang kinorohan sa bansang Thailand si Cat bilang Miss Universe 2018.