Natuwa ang mga netizen sa mga "father and son" photos ng mag-amang Ronaldo Valdez at Janno Gibbs sa latest Instagram post ng singer-actor noong Nobyembre 7.

Makikitang terno o "twinning" ang kanilang color brown outfit na hoodie at shorts na gawa ni Alyssa Loyzaga Gibbs.

"'Lolo sir' proudly wearing @titan_22 x @jumpman23 Shoes and Apparel by his apo @chiiloyzagagibbs 🙌❤️🔥 Swipe for more pics ➡️ We had too much fun doing this shoot 🥰," caption ni Janno sa kaniyang Instagram post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"My favorite photos ever!!!!," komento ng mismong gumawa ng outfit ng mag-ama na si Alyssa.

Ang "Lolo Sir" ay role ni Ronaldo sa hit teleseryeng "2 Good 2 Be True" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN, na matatapos na ngayong linggo.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Love this father and son photo!"

"Lolo sir is so hot looking… and the son is cool… just cool."

"Iba tatak ni Sir Ronaldo Valdez, very respectable and with admirable character!"

"Hello po lolo sir and. mr janno. nice picture stay safe!"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/09/sino-mas-guwapo-mag-amang-ronaldo-valdez-at-janno-gibbs-pinusuan-sa-kanilang-twinning-outfit/">https://balita.net.ph/2022/11/09/sino-mas-guwapo-mag-amang-ronaldo-valdez-at-janno-gibbs-pinusuan-sa-kanilang-twinning-outfit/

Sa kabilang banda, marami naman ang nakapansing mas "hot-looking" at mas guwapo raw si Ronaldo kaysa sa anak na si Janno, kahit may edad na ito. Makikita ito sa comment section ng isang online news site na naitampok din ito.

"Lolo sir is so hot looking… and the son is cool… just cool."

"Sorry po Mr. Janno Gibbs pero mas guwapo pa rin po si Lolo Sir Ronaldo Valdez hehe."

"Super cute ang arrive ni lolo sir. With his age still full of handsomeness and appeal. SAKALAM."

"Mas guwapo si lolo sir kaysa sa anak yung anak walang kadating-dating mas maiinlove ka don sa mas may edad hahahaha just saying po."

"Ang cute parang mas guwapo pa ang tatay kaysa anak hehehe peace Janno."

"Ang pogi ng mag-ama… pero I'll say na mas guwapo talaga si Lolo Sir."

"Mas guwapo ang tatay."

"Sooooo nice father and son tandem! Pero iba ang karisma ni Sir Ronaldo, sorry na Janno!"