Napa-react ang mga netizen sa comparison photo ng komedyante at unang grand winner ng "Miss Q&A" sa "It's Showtime" na si Juliana Parizcova Segovia kay international singer na si 'Rihanna" dahil maraming nakapansing tila may resemblance o pagkakahawig daw silang dalawa.

Makikita ito sa Facebook page na "Main Pop Girls Stanposting" na naka-upload noon pang Nobyembre 4, at ibinahagi ng isang netizen. Hindi naman kasi talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng magkakamukha sa totoong buhay, kahit na sa showbiz.

Rihanna at Juliana Parizcova Segovia (Larawan mula sa FB page na Main Pop Girls Stanposting)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit may mga netizen naman na idinaan na lamang sa biro ang paghahambing kina Juliana at Rihanna pagdating sa kanilang looks.

"Baby, this is what you came for vs. Definitely not."

"Disturbia vs. Disturbing."

"Umagang-umaga eh hahahaha…"

"Shine bright like a diamond / Ano ka gold?"

"Ang aga ah HAHAHAHAHA madaling-araw lang talaga tayo may time mag-share ng memes kasi pagkasikat ng araw ay trabaho agad sa opisina. Hayss #adulting."

"Uy may resemblance nga… hanapin mo lang maigi hahaha."

"In fairness kamuka, kaso iba na itsura ni Rihanna ngayon."

Si Rihanna ang nagpasikat ng iba't ibang awitin gaya ng "Diamonds", "Umbrella", "Disturbia", "We Found Love", "Where Have You Been", at marami pang iba.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Juliana tungkol dito.