Kamakailan lamang ay maraming mga netizen ang naiintriga at nagtataka kung bakit walang post o update ang tinaguriang "real-life Darna" na si Angel Locsin sa kaniyang social media platforms, simula noong nagtapos ang halalan.

Marami rin ang naghanap kay Angel sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa noong Oktubre, lalo't kilalang mabilis at umaaksiyon kaagad ang aktres sa paghahatid ng tulong sa mga biktima.

Dahil dito, kumalat ang mga espekulasyong on the rocks na raw ang relasyon nila ng mister na si Neil Arce, at buntis na raw ito, bagay na pinabulaanan naman ng isa sa matatalik na kaibigan sa showbiz ni Angel na si Dimples Romana.

Sa isang panayam, sinabi ni Dimples na deserved naman ng kaibigan ang kaniyang pananahimik o hiatus sa social media. Ayon pa sa aktres, nakakausap niya naman ang kaibigang si Angel at mister na si Neil, at maayos naman daw ang relasyon ng dalawa.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Normal lamang daw ang naisin ni Angel na mas tutukan pa ang kaniyang personal na buhay. Siya man daw ay dumating sa puntong nais niya ring gawin ito.

“Pero alam mo naman tayong mga tao, of course we have moments na you know, we want to… paano ba, ako kasi mayroon akong mga moments na ganiyan eh. Sa pamilya ko parang I just want to focus on my family first, on my loved ones and I think Gel super earned that kind of kasi we’ve seen her and she has not stop working ever since," paliwanag ni Dimples sa sa press conference ng "The Iron Heart" noong Nobyembre 5, 2022, na pagbibidahan ni Richard Gutierrez, na dating katambal ni Angel noong nasa GMA Network pa sila.

Nagkita sila ni Angel ilang buwan na ang nakalilipas dahil malapit umano sa area ng bahay nina Angel ang paaralang pinapasukan ng anak niyang si Alonso.

“Ibigay na natin yung privacy na iyon," giit pa ni Dimples.

Samantala, sinagot na rin ng showbiz columnist-showbiz vlogger na si Ogie Diaz ang tungkol dito sa kaniyang "Ogie Diaz Showbiz Update" noong Nobyembre 5.

Iginiit ni Ogie na pinili na muna ni Angel na manahimik sa social media at magpokus sa kaniyang pamilya, lalo't inaalagaan din nito ang amang si Angel Colmenares na 94 taong gulang na.

Hindi rin umano totoo ang tsikang hiwalay na sila ni Neil, na buntis na ito, at lulundag na sa ibang TV network.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/05/umanoy-hiwalayan-nina-angel-locsin-at-neil-arce-dahilan-daw-ng-pananahimik-ng-aktres/">https://balita.net.ph/2022/11/05/umanoy-hiwalayan-nina-angel-locsin-at-neil-arce-dahilan-daw-ng-pananahimik-ng-aktres/