Inamin na ng TikTok star na si Bella Poarch ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kaniyang asawa na si Tyler Poarch.

Humingi ng pasensya si Bella sa fans na nagulat dahil 'di nila inakalang kasal na nga ito. Aniya, magsasalita raw siya tungkol sa kaniyang divorce kapag handa siyang pag-usapan ito.

"I'm sorry if everyone thinks I've been keeping a secret. I will address my divorce when I am ready to speak about it," anang TikTok star.

Sa ngayon ay humihingi muna siya ng privacy para sa kanilang mag-asawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, sinabi rin niyang magso-social media break muna siya.

"My team will be taking over my socials and posting certain obligations that need to be fulfilled. I will be taking a break from social media. Thank you." 

Matatandaang nag-trending si Bella sa Twitter kamakailan dahil maraming fans ang nagulantang nang maghahain umano ito ng divorce. Hindi kasi nila alam na kasal na pala ang TikTok star.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/07/kasal-pala-tiktok-star-bella-poarch-nag-file-ng-divorce-netizens-nagulantang/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/07/kasal-pala-tiktok-star-bella-poarch-nag-file-ng-divorce-netizens-nagulantang/