Isang digital content creator ang naghahanap ng posibleng maging event assistant sa kilalang Mall of Asia Arena na madalas na venue para sa naglalakihang concerts ng ilang K-pop stars at iba pang foreign artists.

Nitong Lunes, isang Jhen Pheng Taylo ang nagbahagi ng nabanggit na impormasyon sa isang Facebook post.

Bukas ang part-time raket sa mga estudyanteng hindi bababa sa 18-anyos ang edad.

Paghikayat pa ng Jhen, marami aniyang event at concert ang aasahan ng sinumang matatanggap sa trabaho.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Kabilang sa mga kakailangan ng applicants ang Social Security System (SSS) number, PAG-IBIG (HDMF), PhilHealth Member’s Data Form, birth certificate, parehong clearance mula Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), barangay certificate, at negative drug test certificate.

Hindi naman nabanggit ang aasahang kompensasyon sa nasabing raket.

Ilang netizens, kadalasa’y mga Gen Z, ang nagpahayag naman agad ng interes sa naturang trabaho.

Maaring ipadala ang updated resume sa pamamagitan ng email address na [email protected].