Maglilibot ang showbiz love team na "DonBelle" na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa iba't ibang lungsod ng Pilipinas para i-promote ang kanilang upcoming movie na "An Inconvenient Love."

Bukod sa local tour, inaasahan din na lilipad pa ibang bansa ang dalawa para mag-promote.

"Isang malaking karangalan, sobrang grateful kai, sobrang blessed kasi po binigyan kami ng opportunity na ito to be the first theatrical movie since the pandemic, Star Cinema's comeback this November 23," ani Donny sa Inside News ng Star Magic.

Nagpapasalamat naman ang aktres sa tiwala at oportunidad na ibinigay sa kanya.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ani Belle, "We are very grateful that we were given this opportunity after ilang din years, first movie ng Star Cinema. I mean it's really such an honor, so thank you so much. Abangan niyo 'yan kasi nga we're on our tour and I sana magkita tayo doon."

Ikinatuwa naman nila ang mainit na suporta lalo na ng kanilang fans.

"Siyempre sobrang na-appreciate namin lahat 'yon," pagbabahagi ni Donny at sinabing naging emosyonal pa si Belle nang mapanuod nila ang trailer.

“Nakakatuwa and I think it was really an emotional experience for all of us,” dagdag naman ng aktress.

Sa direksyon ni Petersen Vargas at panulat nina Enrico Santos at Daisy Cayanan, ang “An Inconvenient Love” ang pangalawang pelikula ng DonBelle pagkatapos nilang magtrabaho sa “Love Is Color Blind” noong 2021.

Ang pelikula ay maituturing na historical dahil matapos ang ilang taon, muling magbabalik ang Star Cinema sa big screen sa pagpapalabas ng ‘An Inconvenient Love’ sa mga sinehan sa Nobyembre 23.

Nito lamang unang linggo ng Nobyembre, nagsagawa ng fan meeting ang love team sa Las Vegas.