Supportive at masaya pa rin si Sylvia Sanchez kahit na hindi nila nakasama ang anak na si Arjo Atayde sa mismong kaarawan nito.

Bunyag ng batikang aktres, ito raw ang unang beses na hindi nila nakasama si Arjo, gayunman, masaya raw sila dahil kasama naman nito ang kaniyang fiance na si Maine Mendoza.

"First time ng pamilya na hindi ka nakasama sa birthday mo. Pero happy kami kasi alam naming sobrang happy ka dahil kasama mo ang pinakamamahal mong si Bubba," sey ni Sylvia sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre 6 kalakip ang picture na nag-video call sila.

"Happy Happy Birthday @arjoatayde. Enjoy your trip with Bubba @mainedcm. Love you mga anak."  

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Samantala, nagpasalamat naman si Maine at Arjo sa naging mensahe ng aktres.

"Thank you tita," sey ni Maine.

"I love you more ma. thank you for EVERYTHING!" sey naman ni Arjo.

Ipinagdiwang ni Arjo ang kaniyang kaarawan sa Paris, France kasama si Maine.