Hindi pa man humuhupa ang "panggigigil" ng mga netizen kay Kapamilya actress Heaven Peralejo dahil sa "harutan" teaser nila ng katambal na si Ian Veneracion para sa pelikulang "Nanahimik ang Gabi", muli na namang "nag-init ang ulo" ng mga netizen dahil sa panibagong video na ibinahagi ng aktres sa kaniyang social media account.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/netizens-nanggigigil-kay-heaven-peralejo-dahil-sa-pagharot-kay-ian-veneracion/">https://balita.net.ph/2022/11/03/netizens-nanggigigil-kay-heaven-peralejo-dahil-sa-pagharot-kay-ian-veneracion/

Makikita sa opisyal at verified Facebook account ni Heaven ang behind-the-scenes o BTS ng photoshoot ng aktor na si Gab Lagman, na makakasama niya sa TV adaptation ng Wattpad novel na "The Rain in España".

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kitang-kita ang paglundag ni Heaven sa likod ni Gab at nangunyapit dito.

Kaya naman, hindi pa man nakaka-get over ang mga netizen sa maiinit na eksena nila ni Daddy Ian, heto't may Gab naman siya. Talaga nga naman daw quotang-quota na si ate n'yo Heaven!

Narito ang reaksiyon at komento ng mga netizen:

"Kelan kayo titigil?"

"Laban lang mhie pero sana sumuko ka na."

"Ang galing!!! Puwede na wag ituloy ang adaptation!!!"

"Kuhang-kuha mo inis ko!!!"

"Nakakaubos ka ng pasensya Heaven…"

"Lahat na lang ng guwapo nasa sa iyo na?? Maghulos-dili ka naman, Heaven."

"Porke ba Heaven ang name mo, feeling mo lahat ng biyaya nasa sa iyo na???"

Anyway, ang "The Rain in España" ay ipoproduce ng Viva sa direksiyon ni Theodore Boborol.