Grabe ang mga reaksiyon at komento ng mga netizen sa inilabas na teaser ng pelikulang "Nanahimik ang Gabi" na pinagbibidahan nina Heaven Peralejo at Ian Veneracion, dahil sa maaalab na eksena nila.

"Nanggigil" ang mga netizen kay Heaven dahil bukod sa ilang "lampungan scenes" ay todo-kandong pa raw si Heaven kay Ian habang nakasuot lamang ng panty, sa ilang mga lumabas na patikim dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/netizens-nanggigigil-kay-heaven-peralejo-dahil-sa-pagharot-kay-ian-veneracion/">https://balita.net.ph/2022/11/03/netizens-nanggigigil-kay-heaven-peralejo-dahil-sa-pagharot-kay-ian-veneracion/

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Bagay na bagay raw kay Heaven ang kaniyang pangalan ngayon dahil para siyang "Babaeng Pinagpala sa Lahat". Alam naman ng lahat na matagal nang "pantasya ng bayan" si Ian, lalo't isa siya sa mga pinakaguwapong leading man sa industriya ng showbiz, kahit na may edad na. Inihahambing pa siya sa alak o wine na "Habang tumatagal, lalong sumasarap!"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/08/matapos-kandungan-si-ian-heaven-nangunyapit-naman-kay-gab-lagman/">https://balita.net.ph/2022/11/08/matapos-kandungan-si-ian-heaven-nangunyapit-naman-kay-gab-lagman/

Anyway, hindi pa man nakaka-get over ang lahat sa mga litrato nila ni Ian, lumabas naman ang mga video at litrato niya kasama ang co-stars ng " The Rain in España" na sina Marco Gallo at Gab Lagman. Ito ay TV adaptation ng Viva sa patok na "university barkada novel" na mababasa sa Wattpad.

Gagampanan ni Heaven ang karakter na si "Luna" at si Gab naman ay bilang si "Sevi".

In fairness at medyo nanahimik si Heaven matapos ang mga kontrobersiyang kinasangkutan, subalit ngayon, kumo-quota sa proyekto huh!

Makikita sa opisyal at verified Facebook account ni Heaven ang behind-the-scenes o BTS ng photoshoot nila ni Gab habang in-character.

Kitang-kita ang paglundag ni Heaven sa likod ni Gab at nangunyapit dito.

Sa bukod na FB post naman, makikita ang paglalapit ng mukha nila ni Marco Gallo na siya namang gaganap bilang "Kalix".

Kaya naman pabirong sey ng mga netizen kay Heaven, awat na raw dahil quotang-quota na siya!

"Kelan kayo titigil?"

"Laban lang mhie pero sana sumuko ka na."

"Ang galing!!! Puwede na wag ituloy ang adaptation!!!"

"Kuhang-kuha mo inis ko!!!"

"Nakakaubos ka ng pasensya Heaven…"

"Lahat na lang ng guwapo nasa sa iyo na?? Maghulos-dili ka naman, Heaven."

"Porke ba Heaven ang name mo, feeling mo lahat ng biyaya nasa sa iyo na???"

"Grabe quota ka na girl, magtira ka naman para sa amin!"

Anyway, ang "The Rain in España" ay ipoproduce ng Viva sa direksiyon ni Theodore Boborol. Hati ang saloobin at opinyon ng mga netizen sa casting lalo na sa mga nakabasa na nito, subalit nangako naman ang buong production team na aayusin nila at bibigyan ng hustisya ang adaptation na gagawin nila.

Isa sa mga tumatak at sumikat na adaptation na ginawa ng Viva ay ang "Diary ng Panget" na pinagbidahan nina Nadine Lustre at James Reid, na pinagsimulan ng kanilang tambalang "JaDine".