Ibinida ng isa sa mga miyembro ng sikat na Korean group na "BTS" na si Suga ang kaniyang bagong hairstyle, sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre 6, 2022.

Kapansin-pansin ang medyo may kahabaang curly hair ni Suga na bahagyang tumatakip sa kaniyang maamo at guwapong mukha.

View this post on Instagram

A post shared by SUGA of BTS 민윤기 (@agustd)

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Siyempre, kilig to the max naman ang mga may "bias" o faney ni Suga dahil sa kaguwapuhan overload nito sa bagong hairstyle.

"Yung natakpan na kalahati ng mukha pero guwapo pa rin."

"I love you takaga Suga sana makita kita sa personal."

"Unexpected of Yoongi side."

"Yoongi ang cute ahhh sarap mo isako minsan…"

"Very nice Oppa!"

Ngunit kung may mga pumuri, may mga netizen din ang nagsabing inakala raw nilang ang nasa larawan ay si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid noong kabataan nito. Mababasa ito sa comment section ng isang online news portal.

"Seriously akala ko si Ate Regine Velasquez noong kabataan niya hahaha."

"Ate Reg???"

"Kala ko si Songbird."

"Hindi mo kami maloloko Regine Velasquez hahaha."

"Kala ko si Regine Velasquez."

May mga netizen pang kumuwestyon sa gender ni Suga, subalit marami rin naman sa mga tagahanga at tagasuporta niya ang nagtanggol dito.