Hindi na daw magtataka ang ilang 'Pinoy fans kung sakaling maging fluent sa pagsasalita ng Filipino ang K-pop group na Lapillus.

Ito ay dahil sa katatapos lamang na song cover ng member nilang si Bessie ng hit song na "Amakabogera," na orihinal na inawit ni Marydale Entrata, na mas kilala bilang si Maymay.

As of writing, tumabo na ng lagpas 260,000 views ang video nito sa YouTube.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Positibo rin ang mga reply ng netizens sa comment section ng video at sinabing napakahusay ng pag-awit ni Bessie ng Filipino song.

Nito lamang Nobyembre 6, balik Pilipinas rin ang Lapillus para mag-promote ng kanilang activities sa Filipino fans.

Ang Lapillus ay isang K-pop girl group sa ilalim ng MLD Entertainment. Ang grupo ay binubuo nina Chanty, Shana, Yue, Bessie, Seowon, at Haeun.

Nag-debut sila noong Hunyo 20, 2022 sa digital single na “힛야! (HIT YA!).”

Isa sa mga miyembro nila ang Filipino-Argentinian na si Chantal Videla o mas kilala bilang Chanty.