Magiging masaya ang Pasko ng isang tricycle driver nang mapalad namakapag-uwi ng₱188.4 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola noong Oktubre 23.

Nagtungo ang 47-taong gulang na lotto winner sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City nitong Martes, Nobyembre 8 upang kubrahin ang kanyang premyo.

Mismong si PCSO General Manager Melquiades Robles naman ang nag-abot sa lucky winner ng tseke na nagkakahalaga ng₱188,471,378.

Nabatid na matagumpay na nahulaan ng masuwerteng mananaya ang six-digit winning combination na 09-03-19-13-20-29 ng SuperLotto 6/49 kaya’t pinalad na maging instant multi-milyonaryo.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Anang lucky winner, higit 20 taon na siyang naglalaro ng lotto bago pinalad na manalo.

“Matagal ko nang inaalagaan ang mga numerong ito. Madalas, tumataya ako kapag alam kong malaki na ang jackpot prize. Kaya sa pagkakataong ito, labis po ang tuwa kasi mababago na ang buhay namin,” aniya.