Trending topic ngayon sa Twitter ang Filipino-American TikTok personality na si Bella Poarch nang lumabas ang balitang naghain siya ng divorce matapos itong lihim na ikinasal sa loob ng halos apat na taon.

Sa exclusive report ng TMZ, isang popular entertainment website sa U.S., nitong Nobyembre 6, ang rason umano ni Bella para tapusin na ang pagsasama nila ng asawang si Tyler Poarch ay"irreconcilable differences."

Gayunman, wala raw plano si Bella na tanggalin ang apelyido ni Tyler sa pangalan niya.

“And, don’t worry fans, according to the docs … she’s not planning on ditching Tyler’s last name. It’s still B to the P!” anang TMZ.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ikinasal noong Enero 2019 sina Bella at Tyler.

Matatandaang nakilala si Bella sa TikTok noong Abril 2022 at mula dito ay nagtuloy-tuloy na ang kaniyang pagsikat. 

Samantala, trending topic ngayon sa Twitter ang TikTok star dahil maraming netizens ang nagulat na kasal na pala ito nang maghain ito ng divorce. 

As of writing, umaabot na sa 7,983 tweets ang pangalan ni Bella.