Hindi makalalaro si Keifer Ravena sa Gilas Pilipinas na sasabak sa nalalapit na FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos sumailalim sa emergency dental surgery.
Inilahad ito ni Ravena sa pamamagitan ng kanyang social media account nitong Lunes.
Makakasagupa ng Gilas ang Jordan sa Nobyembre 10 at Saudi Arabia naman sa Nobyembre 13.
Kabilang na sa hindi makakalaro sa Gilas sina June Mar Fajardo, Chris Newsome, at University of the Philippines player Carl Tamayo.
Inaasahang aalis ng bansa ang koponan nitong Lunes ng gabi, bitbit ang 16 na miyembro nito.