Pasok na sa grand finals ng 12th Season ng “Danse avec les Stars” (Dancing with the Stars), isang dance competition sa France, ang dancer-TV host na si Billy Crawford at ang partner niyang French dancer na si Fauve Hautot.

Sila ang nakakuha ng top score sa dalawang segments para maging solido sa final round ng sikat na dance competition sa France. 

Pero bago pa man lumarga sina Billy para sa qualifying round sa finals naglabas na siya ng saloobin sa kanyang Instagram. Sey niya, "here we go, semi finals for @dals_tf1 It has been an amazing experience and such a pleasure to dance on a daily basis. Can’t wait for tonight. We will see if I’ll make it to the finals or not but to all the artists, judges, my dance partner who became my sister @fauvehautot, pro dancers, prod, TF1 thank you for this blessing and making my job worth loving! To my wife and my son this is for you! To God be the glory."

Todo-suporta naman ang loving wife ni Billy na si Coleen Garcia na aniya, "cheering for you all the way! You're gonna do great!" 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

'Yun nga lang wala sa mismong laban nila Billy si Coleen dahil umuwi na ito ng Pinas kasama ang anak nilang si Amari para sa importanteng event at wedding na dadaluhan. 

Samantala, sa nangyaring laban nila Billy at Fauve na umere noong Sabado, Nobyembre 5, sila ang unang nag-qualify sa final round. 

Sa unang sayaw nila ng paso doble ay nakakuha sila ng 39 points sa saliw ng awiting "Let’s Get It Started" ng Maneskin at sa pangalawang performance na rumba nakakuha naman sila ng 35 points sa musika ng "Chasing Cars" ng Snow Patrol. 

Mukhang hindi naman naging hadlang kay Billy ang pagkakaroon ng back injury dahil hataw to the max pa rin ang naging performance nila ng kanyang partner. Wala nga sa hitsura nito na may pinagdadaanan siyang sakit ng katawan dahil talaga namang performance level ang kanyang ibinigay. 

Matatandaang mula sa umpisa ng "Danse avec les Stars" noong Setyembre, standing ovation na ang mga judges kila Billy at Fauve sa ipinamalas nilang husay sa pagsayaw.

Sila Billy at Fauve na nga ba ang tatanghaling grand champion sa "Danse avec les Stars" (Dancing with the Stars) ng France? Abangan!