Kahit tinambakan ng 19 puntos ng katunggaling San Miguel Beer, nagawa pa ring maiuwi ngGinebra San Miguel ang panalo, 97-96, sa tulong ng shooting guard na si Scottie Thompson, sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Pumasok ang tres ni Thompson mula sa pasa ni Justin Brownlee 4.8 segundo na lang ang natitira sa regulation period.

Sa final possession, tinangka pang umiskor ng import ng Beermen na si Devon Scott sa gitna ng mahigpit na pagbabantay ni Thompson. Gayunman, nakawala sa kanya ang bola.

Humakot ng Brownlee ng 33 puntos, 11 rebounds, siyam na assists habang si Thompson ay naka-14 puntos, bukod pa ang anim na rebounds, anim na assists at limang steals.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Tangan ngayon ng Ginebra ang rekord na 5-2, panalo at tatlo habang nabaon naman sa 3-4 ang San Miguel Beer.