Isang buwan bago ang Miss International competition sa Japan, nagpasabog at pinabilib na ni Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold ang pageant fans kasunod ng kaniyang eleganteng presentation sa isang bridal show.

Napa-wow sa eleganteng pagrampa ng beauty queen ang audience ng kamakailang bridal show ng Pinoy designer na si Yeye Pantaleon.

Palakpakan at paghanga lang ang maririnig sa mga dumalo sa naging presentation ni Hannah suot ang nakalulula sa ganda na puting bridal gown.

“Super kilig to be Sir@yeyemanila‘s muse for the beautiful Unveil Bridal show. 👰🏻‍♀️ I still cannot get over how stunning and creative your gown was 🥺 Thank you po and congratulations X 100! 👏🏼 🙌🏼🫶🏼” mababasa sa Instagram post ni Hannah, Linggo.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Aprub naman sa pageant fans ang classy presentation ni Hannah na anila’y perfect para sa Miss International pageant.

“We have our long deserving winner, international beauty!👏❤️” komento ng isang follower.

“My Miss International😍🌸” segunda ng isa pa.

“Lovely, This should be considered as your EG for Miss International ❤️”

“Bring this on Miss International 😁✨🫶🏼”

“Babe you are so ready for Miss International I can’t wait to see you shine on that stage!”

“This is a MASTERPIECE!!! Just like the flower@arnoldhan_is ready to bloom and get that 7th international crown for the Philippines 🇵🇭@missintercontinentalofficial🌺”

“Stunning!!!”

Samantala, pwedeng suportahan ang Pinay beauty queen para sa kaniyang Top 15 placement.

Sa isang Instagram post, ipinaliwanag ni Hannah ang first-ever online voting sa kasaysayan ng kompetisyon.

Ito’y sa pamamagitan ng isang online app na magbubukas sa Nobyembre 30.

Basahin: Nasa 70 kandidata, magpapasiklaban sa pagbabalik ng Miss International competition – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa Disyembre gaganapin ang pagbabalik ng Miss International matapos ang halos tatlong taong hiatus.