Ano pang hinihintay mo?

Tinatayang papalo na sa mahigit P192 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Linggo ng gabi, Nobyembre 6.

Ayon sa PCSO, wala pa ring nakahula sa six-digit winning combination na 44-36-10-45-50-52 ng UltraLotto 6/58 na binola nitong Biyernes ng gabi.

Dahil dito, wala pa ring nakapag-uwi ng katumbas nitong jackpot prize na186,415,949.60 kaya’t inaasahang madaragdagan pa ito sa susunod na bola.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Gayunman, mayroong limang mananaya ang nakapag-uwi ng tig-120,000 na second prize para sa nahulaan nilang tig-limang tamang numero.

Samantala, batay sa jackpot estimates ng PCSO, ang premyo ng SuperLotto 6/49 na bobolahin rin sa Linggo ng gabi ay aabot na sa20 milyon.

Ang jackpot prize naman ng MegaLotto 6/45 na bobolahing muli sa Lunes, Nobyembre 7, ay balik na sa8.9 milyon matapos na matamaan ang jackpot prize nito na21.4 milyon ng isang taga-Taytay, Rizal nitong Friday draw.

Muli namang hinikayat ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya sa kanilang lotto games.

Una nang sinabi ni PCSO General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles na walang talo sa pagtaya ng lotto dahil sa halagang20 lamang ay magkakaroon na ng tiyansang maging susunod na lotto millionaire at makakatulong pa sa kawanggawa.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.