Bago pa man maganap ang engagement plano na talaga ni Robi Domingo na mag-settle down sa kaniyang "the one" na si Maiqui Pineda.

“I think I’m ready to have that certain level up in our relationship. So, yes, napag-uusapan siya. Kasi nasabi ko din sa kanya ‘to a couple of weeks before, wala man akong market, may forever naman ako," sey ng TV host sa kaniyang panayam sa PUSH Bets Live ilang araw bago ang engagement.

Matatandaang naging issue ang tungkol sa kawalan umano ng "market" ni Robi nang dahil sa sinabi umano ng vlogger na si Zeinab Harake tungkol sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/walang-market-robi-domingo-nagsalita-na-sa-sinabi-umano-ni-zeinab-tungkol-sa-kaniya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/24/walang-market-robi-domingo-nagsalita-na-sa-sinabi-umano-ni-zeinab-tungkol-sa-kaniya/

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Wala naman na akong ibang naiisip na gawin, wala naman na akong ibang nakikita. And I think more on those. I think, I’m ready," dagdag pa niya. 

Itinanong din kay Robi kung kailan malalaman na ready na mag-settle down ang isang tao.

“’Pag fulfilled ka na. Kasi Iniisip ko rin ‘yan before eh na baka nakita ko na yung si ‘the one.’ Palagi nating sinasabi ‘yan eh na baka siya si the one. Syempre when you go into a relationship, siya dapat ‘yung the one pero hindi nating masasabi na siya ang the only one or the last one kapag hindi ka pa handa sa sarili mo," sey niya.

“So, kapag nagawa mo na ‘yung mga gusto mo sa buhay, na-achieve mo na, and when you’re stable, that’s when you feel you are going to be partially ready. But to complete that, kailangan alam mong handa kang tumaya, handa kang ibigay lahat," dagdag pa niya.

“Kasi ako just think about it, kahit gusto kong sabihin na natatakot ako, mas nangingibabaw ang excitement ‘cause I know it’s going to be a fun journey with her."

Matapos ang apat na taong-relasyon, mauuwi rin sa kasalan ang pag-iibigan nina Robi at Maiqui.

Sa ulat ni MJ Felipe, naganap ang intimate proposal ng Kapamilya host sa kilalang Shibuya crossing sa Tokyo, Japan nitong Biyernes.

Tumugon naman ng kaniyang matamis na “Oo,” si Maiqui.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/04/kapamilya-host-robi-domingo-maiqui-pineda-engaged-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/04/kapamilya-host-robi-domingo-maiqui-pineda-engaged-na/