Matapos ang labindawalang taon, namaalam na sa GMA Network ang field reporter na si Victoria Tulad.

Ito ang ibinahagi ng mamamahayag sa kaniyang Facebook post, Biyernes, na ikinalungkot din ng ilang followers at Kapuso audience.

“Twelve years ago, GMA took a chance on me and helped me fulfill my childhood dream and for that, I will forever be grateful,” mababasa sa kaniyang Facebook post.

Habang isang karangalan aniya ang makapagtrabaho sa network, tiyak na mami-miss din niya ang mga katrabaho.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Maraming salamat din po sa lahat ng nanood at nagtiwala. I hope to make you proud,” dagdag ni Victoria.

Si Victoria ay nakilala sa kaniyang reporting stint sa ilang news flagship programs ng GMA Network kabilang na ang 24 Oras, Saksi at State of the Nation with Jessica Soho.

Maraming followers ng reporter ang nalungkot sa pamamaalam ni Victoria sa Kapuso newsroom. Gayunpaman, suportado naman ng mga ito ang susunod na career opportunity ng Kapuso journalist.

"For the last time….Victoria Tulad nakatutok, 24 Oras," pagtatapos ng Facebook post ni Victoria.

Samantala, hindi naman nabanggit sa post ng mamamahayag ang dahilan ng kaniyang pamamaalam.