Game na makipa-collaborate sa new artists, composers, at arrangers ang award-winning Kapamilya singer na si Jed Madela para sa kaniyang bagong album.

Ito ang pahayag ni Jed sa isang Facebook post nitong Biyernes na kinagat naman agad ng new and upcoming talents.

“I wanna work on a new album. New material! Collaborations with new artists, composers and arrangers are open!” mababasa sa Facebook post ng singer.

Agad naman inulan ng maraming interesanteng musikero ang post ng singer.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Sino ba naman kasi ang aayaw sa unang champion ng World Championships of Performing Arts?

Basahin: Cryptic post ni Jed Madela, usap-usapan online – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kamakailan, si Jed din ang sikat na enterpreter sa kantang “Forevermore” na nagsilbing background sa ilang viral na pagsundo ng Pinay sa kanilang foreigner na kasintahan sa airport.

Samantala, tiyak na aabangan na ng fans ang bagong music ni Jed!