Isang taga-Rizal ang naging instant milyonaryo matapos na solong maiuwi ang 21.4 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO nitong Sabado, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lotto winner ang six-digit winning combination na 16-13-02-19-11-07, kaya’t napanalunan nito ang jackpot prize na21,436,089.60.

Ayon sa PCSO, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Taytay, Rizal.

Upang makubra naman ang kanyang premyo, maaari umanong magtungo ang lucky bettor sa punong tanggapan ng PCSO at iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang identification cards.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, ang lotto winnings na mahigit sa10,000 ay sasailalim sa 20% taxi.

Samantala, mayroon din namang 55 iba pang mananaya na nagwagi ng tig-P32,000 na second prize matapos na makahula ng tig-limang tamang numero.

AngMega Lotto 6/45ay binobola ng PCSO tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.