Minsan na rin daw nag-reach out ang 'Eat Bulaga' host at aktres na si Maine Mendoza sa mga diehard AlDub fans na nagsasabing ikinasal at may anak sila ng Kapuso actor na si Alden Richards.

Ikinuwento niya ito sa recent vlog ni Ogie Diaz na inupload nitong Huwebes, Nobyembre 3. 

“Marami na ang nakatanggap at 'yung iba nag-stop na mag-support which is totally okay na rin naman. Pero meron pa rin po na hanggang ngayon, kumakapit pa rin dun," sey ni Maine.

“So 'yun po ang hindi ko ma-tolerate. I tried calling them out couple of times already pero ayaw po talaga nilang maniwala. I will take this chance. 'Yung iba parang kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak kami. Totoo po ito," dagdag pa niya.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Umabot na rin daw sa punto na siya na mismo ang nagdi-direct message sa mga fans para sabihing walang katotohanan ang tungkol sa kanila ni Alden.

“Marami na po akong tao na dinirect message sa Twitter to tell them na walang katotohanan. Ako na talaga personally ang nagre-reach out sa kanila not through other people. Pero ang reply nila sa akin hindi si Maine 'yan, admin 'yan ng account ni Maine. May asawa na si Maine, may anak na si Maine. Umabot na talaga ako sa point na nakakapagod na mag-explain and I don't think there’s something that I can do para sa mga taong ito. So wala na akong magawa,” sey pa niya.

Ang AlDub ay ang loveteam nina Alden and Maine (na nakilala bilang Yaya Dub) na nagmula sa blockbuster kalyeserye sa "Eat Bulaga" noong 2015.

Ngayon si Maine ay engaged sa actor-politician na si Arjo Atayde.