Kung si Daisy Lopez a.k.a. "Madam Inutz" ay sumikat dahil sa kaniyang havey na pagpapaulan ng mura sa mga tumatambay lang sa kaniyang live selling at hindi naman bumibili para panoorin lang ang kaniyang pagpapatawa, tila may katapat na siyang lalaking version sa katauhan ni "Vrix Gallano".

Patok sa live selling si Vrix Gallano dahil sa kung ano-anong mga tanong sa kaniya ng mga netizen, na ang puntirya ay kulitin o "harutin" lamang siya.

Eleksyon

Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'

Kapansin-pansin namang mabilis siyang mag-isip nang isasagot sa mga ito, at game lamang sa trip ng mga tumatambay o nanonood sa kaniyang live selling.

"Koya, puwede ka bang mahalin?"

"Magkano po ang pagmamahal n'yo?"

"Kuya pabili po ng biceps at pandesal!"

"Kuya bakit niya ako pinagpalit?"

"Ang sarap mo po, puwede po bang ikaw na lang bilhin?

"May kabaong po kayo?"

"Bakit po puti ang tae ko ngayong umaga?"

Halos pumapalo ng milyon ang kaniyang TikTok views kaya naman mukhang may susunod na sa yapak ni Madam Inutz!