Tila boto naman si Manay Lolit Solis sa namumuong relasyon sa pagitan nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde. Aniya, bagay na bagay raw ang dalawa at pareho namang single.

"Kung talagang sila Zanjoe Marudo at Ria Atayde na nga Salve, ok na ok. Bagay na bagay ang dalawa, pareho naman single, at palagay ko ok narin kay Sylvia Sanchez," sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post kamakailan.

"Mabait na anak si Ria Atayde kaya palagay ko na guide na mabuti ng mga magulang para sa isang magandang relasyon na papasukin. Hindi basta papasok ito sa isang relasyon ng hindi handa. Mukha naman mabait at very responsible si Zanjoe Marudo, kaya kung talagang sila na ngang dalawa, why not," dagdag pa niya.

Sana raw ay humantong sa altar ang dalawang showbiz personality.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Sana nga humantong sa altar ang dalawa, magandang kumbinasyon at mukhang magiging happy sila. Waiting na makita kung saan papunta ang dalawa, basta happy kayo Zanjoe at Ria, ok na ok. Bongga"

Matatandaang galing na mismo sa beterana at premyadong aktres na si Sylvia Sanchez ang kumpirmasyong nasa “dating” stage na sina Zanjoe at anak niyang si Ria.

Ayon kay Ibyang, hindi pa opisyal ang relasyon nina Zanjoe at Ria dahil kinikilala pa muna nila ang isa’t isa.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/15/zanjoe-marudo-at-ria-atayde-nasa-dating-stage-na-buking-ni-sylvia-sanchez/