Ipinakita ng dating NBA player na si KJ McDaniels ang kanyang lakas sa unang sabak nito sa PBA Commissioner' Cup matapos padapain ng koponan nitong Meralco ang nangunguna sa liga na Bay Area Dragons, 92-89, sa Araneta Coliseum nitong Biyernes.

Nasayang lang ang kinamadang50 puntos ni Andrew Nicholson ng Dragons matapos silang pulbusin ng koponan ni McDaniels.

Binitbit ni McDaniels ang Bolts sa nakolektang 31 puntos.

Ang Bolts ang ikalawang nagpatumba sa Bay Area matapos din itong talunin ng Ginebra,111-93, nitong Oktubre 9.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sa pagkapanalo ng Meralco, nag-ambag sina Raymond Almazan at Allein Maliksi ng 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa huling bahagi ng laban, abante pa ang Dragons, 88-81, gayunman, rumatsada si McDaniels hanggang sa mailapitito sa 88-89, 2:07 na lang sa regulation period.

Umabante naman ang Bolts, 90-89, matapos ang buslo ni Bong Quinto na sinundan pa ng dalawang puntos ni Almazan.

Hawak ng Meralco ang tatlong puntos na bentahe, 38 segundo na lang ang natitira sa orasan, nang tangkaing ipatas ni Kobe Lam ang laban. Gayunman, nagmintis ang tres nito hanggang sa makuha na ng Bolts ang panalo.