Pinakawalan na ngTaoyuan Pauian Pilots si Pinoy shooting guard/small forward Ricci Rivero dahil sa kanyang injury.

Pinutol na ng Pilots ang kontrata sa kanila ni Rivero kaya hindi na ito makalalaro sa regular season game.

Isinapubliko ng Pilots ang kanilang hakbang sa pamamagitan ng social media nitong Biyernes.

“Taoyuan Pauian Pilots announced today that with mutual consents, the contract between Pilots and Ricci Rivero is terminated today. GM Sean Chen said it was a hard decision,” ayon sa post ng Pilots.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Apektado umano ng injury ni Rivero ang kanyang performance sa ensayo at sa preseason games.

Isang beses lang naglaro si Rivero sa nasabing koponan nitong Setyembre kung saan nakakolekta ito ng siyam na puntos, walong assists laban saFormosa Taishin Dreamers.

Matatandaang inanunsyo ni Rivero noong Hunyo 2022 na magtutungo siya sa ibang bansa upang maipagpatuloy ang kanyang paglalaro matapos dalhin sa kampeonato ang University of the Philippines (UP) sa UAAP.