Trending kamakailan ang Kapuso star na si Andrea Torres sa kaniyang natatanging pagganap bilang si 'Sisa' sa fantasy seryeng “Maria Clara at Ibarra."

Nangilabot at naiyak din umano ang mga manonood nang bigkasin na ni Sisa, ang linyahang “Crispin, Basilio, ang mga anak ko!” na matagal nang ginagamit sa mga parodiya o kaya naman ay kapag may eksenang gaya nito.

Sa isang latest tweet ni Andres nitong Huwebes, Nobyembre 3, sinabi niyang nakikita at nababasa niya ang mga positibong komento tungkol sa kaniyang pagganap bilang si Sisa. 

"Gusto ko lang malaman niyo na nakikita at nababasa ko ang mga posts niyo ❤️ Sobrang laking bagay hay kung alam niyo lang gano!" sey niya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Ang katotohanan niyan ako rin pinapaiyak niyo. Hehe. Di ako magsasawang magpasalamat 😊 Patuloy po natin sundan ang kwento. Napakarami pong aabangan 🤗" dagdag pa ng aktres. 

https://twitter.com/andreaetorres/status/1588156950289653760

Samantala, umani rin ng papuri ang akting ni Barbie Forteza bilang Klay dahil wala raw siyang magawang baguhin ang mga nakasaad na pangyayari sa nobela ni Rizal.

Sa isang eksena rin sa simbahan, trending din ang dasal ni Barbie kung bakit hinahayaan ng Diyos na gawin ng mga prayle ang pang-aabuso sa kababaihan pati na sa mga bata.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/sasabog-ang-puso-ko-akting-ni-andrea-torres-bilang-sisa-puring-puri-ng-netizens/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/03/sasabog-ang-puso-ko-akting-ni-andrea-torres-bilang-sisa-puring-puri-ng-netizens/

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/11/03/malalim-na-pagganap-andrea-torres-sabog-ang-puso-sa-kaligayahan-matapos-purihin-bilang-sisa/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/03/malalim-na-pagganap-andrea-torres-sabog-ang-puso-sa-kaligayahan-matapos-purihin-bilang-sisa/