Isa na yata sa mga kinakikiligang artista o leading man sa industriya ng showbiz na kahit masasabing may edad na ay parang alak na "habang tumatagal, lalong sumasarap" ay si Ian Veneracion.

Nakapanayam ng showbiz site na "Pika Pika" si Ian at natanong ang aktor kung kumusta ba ang naging relasyon nila ng misis na si Pam Gallardo, na kasama niya sa loob ng 25 taon. Aniya, aminado naman siyang hindi umano perpekto ang kanilang relasyon. May mga di rin sila pagkakaunawaan subalit hindi kaagad namang naaayos.

Maipagmamalaki rin daw ni Ian na nagawa niyang lumayo sa tukso, lalo't talamak ito sa industriyang kinabibilangan niya; plus, ang mga kagaya ni Papa Ian ay talaga namang lapitin dahil sa angkin nitong kaguwapuhan at karisma.

Aniya, wala naman daw siyang mapapala kung magpapadarang siya sa mga temptasyon. Iyan din ang payo niya sa kaniyang anak na lalaki.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“For example, I think it went viral, kunwari a conversation with my son, sinabi ko na, 'Madaling maging babaero, madaling mambabae. Pero kapag nahanap mo ’yung para sa’yo, it takes a real man to be faithful in a relationship. There's nothing cool about being babaero,’”lagi raw sinasabi at pinapaalala ni Ian sa kaniyang anak.

Ian Veneracion (Larawan mula sa FB)

Kaya naman, napa-sana all na lamang ang mga netizen sa mga tinuran ni Ian. Habang ang ibang lalaki raw na di naman kaguwapuhan ay nagagawa pang mangaliwa at humanap ng iba, ang mga kagaya raw ni Ian ang tunay na goals at lodi.

"Sana all kagaya ni Ian!"

"Iyan ang tunay na guwapo! Yung iba riyan, mukha namang tukmol, pero ang lakas ng loob magloko. Duh?"

"Yung may K nga na maging babaero hindi niya ginagawa eh, 'yan pa kayang mukhang mga kuko lang sa paa ni Ian? Makinig kayo!"

Samantala, muling mapapanood si Ian sa pelikulang "Nanahimik ang Gabi" katambal ang aktres na si Heaven Peralejo, na opisyal na lahok sa 2022 Metro Manila Film Festival. Gaganap umano siya rito bilang isang "sugar daddy".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/07/heaven-peralejo-pinaikot-ng-kaniyang-sugar-daddy-na-si-ian-veneracion/">https://balita.net.ph/2022/08/07/heaven-peralejo-pinaikot-ng-kaniyang-sugar-daddy-na-si-ian-veneracion/