Isa sa mga pinag-usapan nina Ogie Diaz at co hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang showbiz vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang umano'y balit-balitang buntis na raw si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kaniyang mister na si Matteo Guidicelli.

Ito raw aniya ang dahilan kung bakit hindi muna tumatanggap ng out of town shows ang Popstar Royalty, na kamakailan lamang ay naging laman ng mga balita dahil sa pag-post ng public apology sa kaniyang mga magulang at pamilya, na kalaunan ay binura din. Ito muna ang kanilang tinalakay bago ang usap-usapang buntis na nga si Sarah. Hangad daw ni Ogie na ibigay na ni Mommy Divine Geronimo ang pagpapatawad na hinihingi ng anak.

Maya-maya ay biglang isiningit ni Ogie ang tungkol sa umano'y naririnig-rinig niyang tsika tungkol kay Sarah.

“Uy ano nga itong narinig ko Loi ha, saglit, oo, na ito raw si Sarah Geronimo, kaya hindi muna or hindi pansamantala na tumatanggap ng mga out of town shows ay dahil siya ay buntis na?” tanong ni Ogie.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Wow, kung totoo man ito, aba naku, I’m sure, ito na ‘yung sinasabi ng mga matatanda na mas mahal ang tubo kaysa sa puhunan. Baka ito na nga ang dahilan para lumambot na ang puso ni Mommy Divine dahil makikita na niya ang kaniyang apo kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli."

“Kung totoo man ang balita, ha? Kaya hintayin natin ang kanilang confirmation or denial,” giit pa ni Ogie sa kaniyang ">vlog.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, pahayag, o kumpirmasyon ang kampo ng mag-asawa tungkol sa tsikang ito.