Ibinahagi ng dating child star na si Buboy Villar ang litrato nila ng surfer na si Philmar Alipayo, na partner ng aktres na si Andi Eigenmann, na makikita sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Nobyembre 2.

"Hello po lodi! Philmar Alipayo," caption ni Buboy sa kaniyang FB post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit iba yata ang napansin ng mga netizen sa kaniyang litrato kaya inunahan na ito ni Buboy.

"Kalma. Ano gagawin ko takpan ko ng talong?!" sey ni Buboy.

Hirit pa niya, "Oh loko minus 10 ka!"

Nagkomento naman dito ang komedyante-vlogger na si Beki Mon.

"Ding, ang bato! hahahhahaha."

Si Buboy ang gumanap na "Ding" sa Darna version ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera noon.

Narito ang reaksiyon at komento ng mga netizen:

"Ay bat yung tubol nasa harapan?"

"MARAMENG NAGKASALA SA MGA ASAWA NGAYUN… LAGUT KA BUBOY."

"Small but terrible hahaha."

"Zoom in, zoom out."

"Tapos na yung Undas bakit yung kandila mo nakatirik pa rin?"

Sa ngayon ay kinakikiligan ang vlogs ni Buboy kasama ang kaibigang Kapuso comedienne at vlogger na si Jelai Andres.