Kinilala ang Kapamilya host na si Melai Cantiveros para sa kaniyang husay bilang events host and media influencer sa 47th Global Awards for Outstanding Executives.

Idinaan ni Melai ang kaniyang pagpapasalamat sa isang Instagram post nitong Miyerkules, Nobyembre 2.

"Thank you @global_awards for this Award of mine. Super Thank you po sir/Chairman Ramon P Vasquez," aniya.

"Pagbubutihan kopapo na mapasaya kayu," dagdag pa niya. 

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Melai maging ang kaniyang mga anak na sina Mela at Stella dahil sa viral video na "I love chicken nuggets" ng mga ito.

Sa isang Facebook group na “Main Pop Girls Stanposting,” ishinare ng isang netizen ang naturang video at umani ito ng mga iba’t ibang reaksyon mula sa netizens dahil tuwang-tuwa sila sa mag-iina. 

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/10/07/epekto-ng-chicken-nuggets-gusto-ko-nang-bumitaw-ng-mga-anak-ni-melai-kinagiliwan-din-ng-mga-netizen/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/07/epekto-ng-chicken-nuggets-gusto-ko-nang-bumitaw-ng-mga-anak-ni-melai-kinagiliwan-din-ng-mga-netizen/

Samantala, masayang ibinahagi ng celebrity mom ang ginawang dance track ng online personality at music producer na si JMKO sa viral “chicken nuggets” reaction ni Mela.

Sa isang Facebook post kamakailan, makikitang todo-bigay pa si Mela habang umiindak sa ginawang track ng online star.

“Tawang-tawa ako bilang nanay at siyempre thank you very much @jmko_music sa pa music mo at thank you din sa mga netizens tawang-tawa ako bakit nagkaroon na ng kanta,” mababasa sa post ng Kapamilya host.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/08/i-love-chicken-nuggets-may-viral-music-na-rin-inang-si-melai-tawang-tawa-sa-reactions-ng-netizens/