Naloloka na ang mga tagahanga ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia dahil hindi pa man daw sila nakaka-move on sa mala-mukhang at tila "panghihigop" nito kay Janella Salvador na gumaganap bilang Regina Vanguardia/Valentina, narito naman ngayon ang biglaang kissing scene nila ng mismong lead star na si Jane De Leon (Narda/Darna).

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/">https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/

Sa eksena, nailigtas na ni Narda/Darna si Brian mula sa pagtatago ng kaniyang impostor, na siya namang "humalik" kay Regina Vanguardia/Valentina na ginagampanan ni Janella. Buong akala ni Janella ay naka-iskor na siya at jowa na niya si Brian, pero "lotlot" pala siya talaga.

Anyway, nagulat na lamang si Narda nang bigla na lamang siyang halikan ni Brian, subalit maya-maya, mapapansing tila nagpatangay na rin siya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Subalit ilang segundo lamang ay tila nahimasmasan si Narda at sinampal si Brian.

"Bakit mo 'ko sinampal?" tanong ng karakter ni Joshua.

"Bakit mo 'ko hinalikan?" tanong ng karakter ni Jane.

"Eh hinalikan mo rin naman ako eh…."

Sabi pa ni Brian, nagsisisi raw siya kung bakit ngayon lamang niya ginawa iyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/amanos-na-kay-janella-jane-nalasap-ang-banayad-na-higop-ni-joshua/">https://balita.net.ph/2022/11/03/amanos-na-kay-janella-jane-nalasap-ang-banayad-na-higop-ni-joshua/

Agad na pinag-usapan ng avid Darna viewers ang naturang nakakikilig na eksena.

"Ang simple lang ni Jane at Joshua… yung chemistry ang natural lang…"

"Hindi ko talaga inexpect yung kiss! Juskoooo… grabe kilig ko na kulang na lang marinig ng buong barangay yung tili ko nung nag-kiss silaa…"

"Lalake ako pero tumili talaga ako nung naghalikan na sila, iba yung chemistry unlike nung kay Janella na parang nilamon ni Joshua nguso ni Janella 😂. Eto nakakakilig…"

"Naka-ilang beses na akong paulit-ulit sa kissing scene nila grabee yung kilig ko, sakit na ng panga ko kasi kanina pa ako nakangiti aabot hanggang mata. I've waited for this scene to come, worth it ang paghihintay dahil ang passionate and sincere ng kiss nila, grabeee kilig muchhh."

"Bakit ako kinikilig ng husto ky Brian and Narda… Bagay talaga silang loveteam ang chemistry tagos sana sila na ang permanent loveteam Joshua and Jane… Kilig much…😍😍😍 Hopefully a romcom movie for them sana sa Valentines Day presentation next year Star Cinema."

May mga netizen naman ang nagsabing "mag-diet" naman daw si Joshua dahil agad-agad nitong "namukbang" ang dalawang naggagandahang binibini sa show.

"Panay-panay, Juswaaa!!! Diet ka naman, puro ka mukbang eh!"

"Grabe Joshua, magtira ka naman para sa aming mga nakapila!"

"Sumosobra ka na Joshua!!!"

Ano kayang sey dito ni Joshua?