Trending sa Twitter ang "Sisa", "Andrea Torres", at maging ang hashtag na "#MCIKumpisal" dahil sa nakadudurog-pusong eksena matapos na hindi na masilayan ni Sisa ang kaniyang mga anak na sina Crispin at Basilio. sa fantasy seryeng "Maria Clara at Ibarra".

https://twitter.com/GMADrama/status/1587787821204459521

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nangilabot din umano ang mga manonood nang bigkasin na ni Sisa, na ginagampanan ni Kapuso star Andrea Torres, ang linyahang "Crispin, Basilio, ang mga anak ko!" na matagal nang ginagamit sa mga parodiya o kaya naman ay kapag may eksenang gaya nito.

Sa kaniyang tweet ay nagpasalamat ang aktres sa mga nag-uumapaw na papuri at komendasyon sa kaniyang pagganap. Hindi na raw magiging katatawanan ngayon si Sisa dahil sa malalim na pag-portray niya sa "martir na ina".

"Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong naappreciate 🙏 Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That’s the best 🙏❤️🥲 TGBTG. #MCIKumpisal."

https://twitter.com/andreaetorres/status/1587800864051240961

Narito pa ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ang husay mo Andrea Torres! Deserve mong magka-award. Nakakaiyak!"

"Sa tanda kong ito ngayon ko lang talaga naintindihan kung saan at paano nabaliw si Sisa… hindi na nila gagawing biro ang salitang Sisa ngayon… kasi ngayon pag sinabing baliw, Sisa na agad…"

"Inuulit ulit ko pa din yung scene at iyak pa din ako ng iyak! Galing mo mhieee! Galing ng buong team! Congrats!"

"You deserve an Best Actress Award Bb.Andrea Torres… si Sisa hindi lang isang baliw, kundi baliw sa pagmamahal sa kaniyang anak.. Congrats po."

"She should be given an award as Best Actress in drama anthology. She portrays Sisa well. Bravo!"

"Super galing! Ako nga while watching parang mahihimatay ako sa sobrang iyak niya…r amdam mo talaga… deserve niya magka-award!"

"Ang galing nga ni Andrea, nag-improve ang acting niya, dalang-dala ako, tulo talaga luha ko, super galing niya ro'n!"

"Grabeeee… ang galing galing nilang lahat. Barbie at Andrea. Every episode may best dramatic actress. Hehe! Who's next? Kudos to all of you! And of course to the director of the show na talagang sobra ang motivation sa mga artista nila para magampanan ang bawat characters."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/sasabog-ang-puso-ko-akting-ni-andrea-torres-bilang-sisa-puring-puri-ng-netizens/">https://balita.net.ph/2022/11/03/sasabog-ang-puso-ko-akting-ni-andrea-torres-bilang-sisa-puring-puri-ng-netizens/