Nakarating sa kaalaman ng aktres-vlogger na si Ivana Alawi na ginawa siyang inspirasyon ng grupo ng kalalakihang naglalaro ng basketball, ayon sa viral video na makikita sa Facebook page na "Hotsauce Mentality."

Ayon sa caption, naka-credit ito sa isang nagngangalang "Darel Abregaano."

"Tol: san ka nag eensayo parang hindi ka ata sumasablay sa pag-shoot," saad pa rito.

Mapapansing nakapaskil ang larawan ni Ivana sa itaas na bahagi ng basket kung saan isino-shoot ang bola.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa comment section ay makikitang nagkomento rito ang verified account ni Ivana.

"Ayos ah," tanging komento ng aktres-vlogger.

Mukhang hindi naman nagalit si Ivana sa ginawa ng basketball players na nasa video.