Pinayuhan ng Supreme Court ang mga hindi makakakuha ng 2022 Bar examinations dahil naapektuhan ng bagyong Paeng na maaaring i-refund ang ibinayad nila para sana sa pagsusulit.

Sa pahayag ng Office of the 2022 Bar Chair, maaaring mag-apply para sa refund ang mga kukuha sana ng pagsusulit, sa Office of the Bar Confidant sa pamamagitan ng kanilang Bar Plus registered email addresses.

“Far from impervious to the needs and struggles of the examinees who are struggling in the aftermath of STS Paeng, and as the Court fully understands that this may not restore to the affected examinees, it deems it right that examinees who may be unable to take the 2022 Bar Examines as scheduled for the foregoing reason may apply for a refund,” ayon sa SC.

Maaari ring i-apply ang nabayarang Bar fees sa September 2023 Bar Examinations.

Paglilinaw ng Office of the Bar, tuloy pa rin ang nakatakdang pagsusulit sa Nobyembre 9, Nobyembre 13, Nobyembre 16 at Nobyembre 20.

Sinabi ng SC, handa na rin ang mga testing center at local government unit (LGU) sa pagsasagawa ng Bar examinations.

Isasagawa ang pagsusulit sa 14 na lugar--lima sa Metro Manila, at tig-tatlo sa Luzon, Visayas, at Mindanao.