Nasa panig ng kanilang artist na si Debbie Garcia ang pamunuan ng Viva Artists Agency, ayon sa inilabas nilang opisyal na pahayag hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kanilang alaga at Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

"[PSA] Viva Artists Agency supports Debbie Garcia. We do not condone any act of violence," saad sa caption ng post na mababasa sa kanilang opisyal na Facebook page.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kalakip nito ang isang pubmat kung saan mababasa ang kanilang opisyal na pahayag.

Tatlong kaso ang plano umanong isulong ni Garcia laban kay Imperial: ito ay slight physical injury, grave oral defamation, at grave slander by deed matapos umano ang panunugod at pananakit nito sa kaniya sa isang bar sa Quezon City.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/barbie-imperial-sinampal-ng-3-kaso-ni-debbie-garcia-dahil-sa-panunugod-nito/">https://balita.net.ph/2022/11/03/barbie-imperial-sinampal-ng-3-kaso-ni-debbie-garcia-dahil-sa-panunugod-nito/

Kuwento ni Garcia, bebeso lamang daw sana siya kay Imperial kaya lumapit siya rito, subalit ikinagulat niya ang ginawa nito sa kaniya. Nahagip ng CCTV ang mga pangyayari, na nauna namang isiwalat sa isang tabloid na pahayagan.

Sinugod daw ni Barbie si Debbie dahil sa selos. Nabalitaan umano ni Barbie na nakikipag-date si Debbie sa kaniyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.

Sey pa sa tsika, matagal na umanong nagseselos si Barbie kay Debbie kahit noong magkarelasyon pa sila.

Hinawakan daw ni Barbie sa magkabilang braso si Debbie at dito na raw nagsimula ang murahan, talakan, at nagkaroon pa ng pisikalan.

Agad daw na nagtungo si Debbie sa police station sa Kamuning, Quezon City at ipina-blotter si Barbie, bago ang pagsasampa ng tatlong kaso.

Sa panayam, ipinagdiinan ni Debbie na wala siyang inaagaw mula kay Barbie, at hindi totoo ang mga paratang nito sa kaniya na inahas o sinulot niya ang ex nitong si Diego Loyzaga mula sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/walang-ahasan-debbie-hindi-sinulot-si-diego-mula-kay-barbie/">https://balita.net.ph/2022/11/03/walang-ahasan-debbie-hindi-sinulot-si-diego-mula-kay-barbie/