Tila dismayado raw ang mga "nag-expect" na netizen kay basketball star at jowa ni Kapamilya actress Andrea Brillantes na si Ricci Rivero, sa ibinida nitong costume sa nagdaang Halloween.

Nakasuot ng "Spider-Man" si Ricci bilang entry niya sa inaabangang pa-Halloween costume ng mga celebrity. Pero parang disappointed yata ang mga netizen batay sa comment section dahil "wala" raw silang naispatang "subtitle" kay Ricci. Sa dulo ng TikTok ay makikita ang kaniyang jowang si Blythe. Kakaloka!

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"parang disappointed ako. char!😂"

"kay ronnie alonte yung da best."

"Wala tayong goal for todays video."

"Boring bhie bawi tayo next life hahahahahaha."

"Unsatisfied customer."

"the best yung kay Ronnie Alonte."

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang Spider-Man costume ni Ronnie Alonte kung saan inunahan na ng reel at real life partner nitong si Loisa Andalio ang mga "mapanuring mata" ng mga Marites.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/01/loisa-may-pilyang-hirit-sa-netizens-kasunod-ng-viral-halloween-peg-ng-dyowang-si-ronnie/">https://balita.net.ph/2022/11/01/loisa-may-pilyang-hirit-sa-netizens-kasunod-ng-viral-halloween-peg-ng-dyowang-si-ronnie/