Nagsampa na umano ng kaso ang Vivamax artist na si Debbie Garcia laban sa aktres na si Barbie Imperial nitong Nobyembre 2, 2022, ayon sa ulat ni MJ Marfori.

Tatlong demanda ang ihahain umano ni Garcia laban kay Imperial: ito ay slight physical injury, grave oral defamation, at grave slander by deed matapos umano ang panunugod at pananakit nito sa kaniya sa isang bar sa Quezon City.

Kuwento ni Garcia, bebeso lamang daw sana siya kay Imperial kaya lumapit siya rito, subalit ikinagulat niya ang ginawa nito sa kaniya. Nahagip ng CCTV ang mga pangyayari, na nauna namang isiwalat sa isang tabloid na pahayagan.

Sinugod daw ni Barbie si Debbie dahil sa selos. Nabalitaan umano ni Barbie na nakikipag-date si Debbie sa kaniyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sey pa sa tsika, matagal na umanong nagseselos si Barbie kay Debbie kahit noong magkarelasyon pa sila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/02/barbie-nahagip-sa-cctv-inaway-vivamax-artist-na-nakikipag-date-sa-ex-na-si-diego/">https://balita.net.ph/2022/11/02/barbie-nahagip-sa-cctv-inaway-vivamax-artist-na-nakikipag-date-sa-ex-na-si-diego/

Hinawakan daw ni Barbie sa magkabilang braso si Debbie at dito na raw nagsimula ang murahan, talakan, at nagkaroon pa ng pisikalan.

Agad daw na nagtungo si Debbie sa police station sa Kamuning, Quezon City at ipina-blotter si Barbie, bago ang pagsasampa ng tatlong kaso.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/02/debbie-garcia-pina-blotter-si-barbie-imperial-dahil-sa-pang-eeksena-sa-kaniya-sa-bar-balak-ding-kasuhan/">https://balita.net.ph/2022/11/02/debbie-garcia-pina-blotter-si-barbie-imperial-dahil-sa-pang-eeksena-sa-kaniya-sa-bar-balak-ding-kasuhan/

Samantala, kinalkal naman ng mga netizen ang litrato noon nina Barbie at Debbie nang sila ay "close" pa at nagkasama sa isang teleserye sa ABS-CBN noong 2018.

Wala pang tugon, reaksiyon, o opisyal na pahayag ang kampo ni Barbie hinggil dito.