Kung trending ang "paghigop" ni Joshua Garcia kay Janella Salvador sa pinag-usapang eksena sa "Mars Ravelo's Darna The TV Series, kinakikiligan na ngayon ang banayad na paghalik ni "Higop King" kay Jane De Leon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/">https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/

Sa eksena, nailigtas na ni Narda/Darna si Brian mula sa pagtatago ng kaniyang impostor, na siya namang "humalik" kay Regina Vanguardia/Valentina na ginagampanan ni Janella. Buong akala ni Janella ay naka-iskor na siya at jowa na niya si Brian, pero "lotlot" pala siya talaga.

Anyway, nagulat na lamang si Narda nang bigla na lamang siyang halikan ni Brian, subalit maya-maya, mapapansing tila nagpatangay na rin siya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Subalit ilang segundo lamang ay tila nahimasmasan si Narda at sinampal si Brian.

"Bakit mo 'ko sinampal?" tanong ng karakter ni Joshua.

"Bakit mo 'ko hinalikan?" tanong ng karakter ni Jane.

"Eh hinalikan mo rin naman ako eh…."

Sabi pa ni Brian, nagsisisi raw siya kung bakit ngayon lamang niya ginawa iyon.

Agad na pinag-usapan ng avid Darna viewers ang naturang nakakikilig na eksena.

"Ang simple lang ni Jane at Joshua… yung chemistry ang natural lang…"

"Hindi ko talaga inexpect yung kiss! Juskoooo… grabe kilig ko na kulang na lang marinig ng buong barangay yung tili ko nung nag-kiss silaa…"

"Lalake ako pero tumili talaga ako nung naghalikan na sila, iba yung chemistry unlike nung kay Janella na parang nilamon ni Joshua nguso ni Janella 😂. Eto nakakakilig…"

"Naka-ilang beses na akong paulit-ulit sa kissing scene nila grabee yung kilig ko, sakit na ng panga ko kasi kanina pa ako nakangiti aabot hanggang mata. I've waited for this scene to come, worth it ang paghihintay dahil ang passionate and sincere ng kiss nila, grabeee kilig muchhh."

"Bakit ako kinikilig ng husto ky Brian and Narda… Bagay talaga silang loveteam ang chemistry tagos sana sila na ang permanent loveteam Joshua and Jane… Kilig much…😍😍😍 Hopefully a romcom movie for them sana sa Valentines Day presentation next year Star Cinema."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay nasa trending list na ng YouTube ang naturang ">episode.