Viral sa social media ang panggagaya ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa naging pagdepensa ng social media personality na si "Otlum" o Peejay Dela Cruz, nang masakote ito ng mga awtoridad matapos maispatan sa CCTV ang umano'y pagkuha nito sa cellphone na pagmamay-ari ng isang store owner.

Habang nagsasagawa ng panayam si Vice sa isa sa mga kalahok ng bagong segment na "Girl on Fire" ng "It's Showtime", tila ginaya ni Meme ang naging viral na pagtatanggol at paliwanag ni Otlum sa kaniyang sarili.

Maririnig naman ang hiyawan at palakpakan ng audience dahil tila na-gets nila kung sino ang pinatutungkulan ni Vice.

"Malinis po ang inyong intensiyon," sabi ng kalahok kay Vice.

National

Pro-BBM, Kakampink vloggers, nakiisa sa 'Pro-Impeach Sara Rally' sa EDSA

"Kaya nga, at ang konsensiya ko is clear," banat ni Vice Ganda na ikinapalakpak naman ng madlang pipol.

Paliwanag ni Meme Vice, "Tawang-tawa ako ro'n, I swear…"

"Bakit, bakit?" natatawang untag ng co-host na si Jhong Hilario.

"Natatawa ako… kasi very Miss Q&A lang ang atake kasi ni Ate," sey ng komedyante. "Naaliw lang ako."

Umani ng reaksiyon at komento ang naging paliwanag ni Otlum kung bakit niya kinuha ang cellphone. Aniya, nakita lamang niya ang cellphone na pakalat-kalat kaya kinuha niya ito at ibinenta. Tila sinisi pa niya ang storeowner na may-ari ng kinuhang cellphone dahil hindi niya umano iningatan ang isang mahalagang gadget gaya nito.

"Ang depinisyon ng magnanakaw ay papasok sa isang establisyimiento at walang abog-abog ay magbubuklat at kukuha ng mga bagay na nasa pribadong lugar. Pero ang nangyari po sa akin, ako po ay nasa labas ng tindahan, hindi po ako pumasok. Nakita ko lamang ang cellphone na ito sa ibabaw ng pasimano at ito po ay aking kinuha. Hindi po masama ang aking ginawa dahil ang akin pong konsensya ay clear," paliwanag ng content creator.

Iginiit din niyang hindi siya masamang tao at wala pa siyang police record; hindi pa rin siya nakukulong o nakakasuhan dahil sa pagnanakaw.

Narito naman ang iba't ibang reaksiyon at komento ng mga netizen:

"Need mong bumalik ng kinder."

"Twisted mind and self-defense hahaha."

"Ganyan ang katwiran ng mga ganyang klaseng tao. Yung buking na ayaw pa umamin."

"According to Article 308 of the Revised Penal Code (RPC) of the Philippines, theft is committed when — without using force, intimidation, or violence, — a person takes personal property belonging to another without consent."

"Kahit nakita lang niya sa labas nang tindahan dapat pinagsasabi niya kung sinung may ari nito,hindi basta nalang kinuha at ibinenta pa ayun tuloy."

"Sa lahat ng magnanakaw dito ako natawa talaga eh… lupet mangatwiran eh…"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/02/tiktoker-na-si-otlum-naispatang-nagnenok-ng-cp-depensa-umani-ng-reaksiyon-sa-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/11/02/tiktoker-na-si-otlum-naispatang-nagnenok-ng-cp-depensa-umani-ng-reaksiyon-sa-mga-netizen/