Hindi raw maka-get over si Manay Lolit Solis sa mga umano'y inggitera sa showbiz.

Hindi man niya nabanggit kung sinu-sino ito pero tila pinasasaringan niya ang mga ito sa isang Instagram post nitong Martes, Nobyembre 1.

"Hindi ako maka get over talaga Salve sa disappointment ko sa issue ng inggitera sa showbiz. Hindi ko kasi maisip na sa gitna ng pandemic meron parin kinakain ng inggit ang utak at hindi matanggap na dapat sa panahon ngayon maging masaya sa lahat ng blessings na dumarating sa buhay mo," sey ni Lolit sa post na may kalakip na quote card.

"Ewan ko kung bakit meron parin discontented na tao na hindi maligaya sa kung ano meron siya, at naiinggit parin sa tinatanggap ng iba," patutsada pa ng talent manager.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Binigyang-diin niya na "contentment is the key to happiness."

"Contentment is the key to happiness. Kahit ano lang meron ka, basta maligaya ka at tanggap mo, tiyak na magiging masaya ang buhay mo," sambit pa ni Lolit.

"Pero kung meron ka na at naghahanap ka parin ng dagdag, tiyak magiging unhappy ka. Huwag mo kainggitan ang meron sa iba, huwag kang mangarap ng masyadong mataas. Ma kontento ka sa bagay na nasa iyo.

"Kanya kanyang level ang binigay sa atin buhay kaya tanggapin natin iyon ng buong puso. Life is what we have, be happy with it. Basta buhay tayo, dapat maligaya tayo. Huwag hanapin ang wala. Kung ano nandiyan, ok lang. Ang mahalaga, buhay ka, hindi naghihirap. Tama na iyon, huwag masyadong ambisyosa. Bad iyon. Mahirap abutin ang masyadong mataas. Be happy, be contented. Mas masarap mabuhay pag ganyan."

Matatandaang nalungkot umano si Lolit dahil feeling niya raw ay marami ang may sama ng loob, galit, o lihim na inggit laban sa kaniya. 

Ibinahagi niya ang saloobin sa isang Instagram post noong Biyernes, Oktubre 28. 

“Salve alam mo ba na habang nagda dialysis ako parang sad na sad ako. Kasi nga parang ayoko na mga nangyayari sa akin. Iyon bang parang marami may sama ng loob, may galit at parang may lihim na inggit o anuman against me,” sey ni Manay.

“Sad ako dahil hindi ko gusto na sa edad ko ngayon, at sa kinalalagyan ko sa showbiz na magkaroon pa ng ganitong mga issues,” dagdag pa niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/10/28/lolit-solis-parang-marami-may-sama-ng-loob-may-galit-at-parang-may-lihim-na-inggit-against-me/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/28/lolit-solis-parang-marami-may-sama-ng-loob-may-galit-at-parang-may-lihim-na-inggit-against-me/